At dahil sa kombinasyon ng katangahan, katamaran, pagod at di wastong oras ng pagkain, tumba ng dalawang araw ang kadalasa’y walang kasing-tibay na si Miss Choi. Wala na yatang sasakit pa sa sitwasyong gutom ka ngunit halos isuka mo ang bawat subo. Talaga yatang may sense of humor ang Diyos at nakaisip pa nang ganito ka weirdong sakit.
Ewan ko lang kung natatawa Siya habang dalawang araw akong namimilipit sa sakit at lunok ng lunok ng Zantac na parang tanga. Hindi tuloy ako nakanood ng Kung Fu Panda. Hmmph. At tatlong araw na kong walang kape sa katawan.
Pero magaling na ko. Yun lang.

June 10th, 2008 at 11:05 am
marahil ayaw lang talaga ni baby jesus na manood ka ng kung fu panda, sa dahilang siya lang ang nakakaalam. watta weird baby this lord.
June 10th, 2008 at 3:41 pm
hinay-hinay lang sa Zantac, pinsan. baka ‘di ka na talaban sa susunod gaya ng nanay ko. si Boss talaga, may partiality kay Johnny Depp kasi.
June 10th, 2008 at 9:58 pm
@jon - weirdo talaga si Lord. masyadong masaya ang sense of humor. kaya nga naimbento si manoling eh, di ba?
@kamote - pinsan
naligaw ka dito ah. kailangan ng zantac eh, para mabuhay.