Magta-Tagalog muna ako ngayon, dahil usapang Pinoy ‘to. Magbi-Bisaya din sana ako, kaso ambot eh, kaya Tagalog na lang.
Kagabi, habang pinapanood ko sa TV kung paano gulpihin ng mga kawani ng gobyerno si Jun Lozada, parang nagka-amnesia ako. Parang sa isang iglap, hindi ko na maalala kung bakit sa loob ng mahigit dalawampung taon, ipinagpipilitan kong Pilipino ako, kahit alam kong ayaw sa ‘kin ng bansang ‘to.
Pula ang passport ko, kahit dito ako sa Pilipinas ipinanganak, lumaki, nag-aral at natuto ng katarantaduhan. Wala akong pakialam sa sinasabi ng Bureau of Immigrations. Pilipinas ang bayan ko. Pilipino ako.
Pero kagabi, parang hindi ko na maalala kung bakit pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa bansang ‘to. Para ano? Para magpaloko? Para magpagamit? Para gawing tanga?
Buti sana kung sampid lang talaga ako dito. Yun bang nakikikain, nakikinood ng tv, nakikitawag sa telepono. Pero hindi eh. Buwan-buwan pagdating sa ‘kin ng payslip ko, may kaltas na. Tapos saan napupunta? “This is where your taxes go,” sabi ng mga nakapaskil na billboard na naglipana sa Pilipinas. Kasama ang mukha ng taong walang kahit katiting na hiya sa akin — sa akin na nagpakahirap na makipagsiksikan sa MRT at nagtrabaho ng mahigit walong oras bawat araw para lang maipangalandakan niya ang kawalanghiyaan niya.
Buti sana kung hindi ko pera ang pinagtatalunan ngayon sa senado. Buti sana kung pinupulot ko lang sa kalye yung kinakaltas nilang buwis. Buti sana kung may mapagkukunan ako ng 130 million dollars eh, pero wala. Wala.
Ang meron lang ako, yung katiting na perang natitira sa ‘kin bawat sweldo, yung baryang tinira ng gobyerno dahil kahit papaano, meron naman silang awa. Dahil siguro, alam nilang kailangan ko rin ng pambili ng makakain, at para na rin may ipambayad ako sa e-Vat.
Sa totoo lang, ilang beses na nating paulit-ulit na nakita ‘tong pangyayaring ‘to. Lagi pang televised, dahil lahat ng bagay sa Pilipinas, dapat showbiz. Hindi naman ito ang unang beses na pinagtangkaan tayong nakawan. Malamang, hindi rin ito ang huli. At, mas malamang sa hindi, maraming beses na tayong nanakawan ng wala tayong kaalam-alam.
Pero anak ng tutchang naman, isang beses ko pang marinig iyang “move on” na iyan, susuka na talaga ako ng dugo. Sa bawat alegasyon na lumalabas, wala nang sinabi ang gobyerno kundi ito: “Pakana lang iyan ng mga kalaban ng gobyerno, wag tayong magpadala. We need unity. We must move on.”
Pero sino ba talaga ‘tong kalaban ng gobyerno na punong-abala sa mga planong destabilisasyon? Bakit parang napakamakapangyarihan niya at alam niya ang lahat ng nangyayari sa loob at labas ng Malakanyang? Sino ba siya? Si Lolit Solis?
Simple ang pagkaintindi ko sa linyang “move on” ng gobyerno eh. Para matahimik ang sambayanan, huwag kang mag-isip, huwag kang magtanong, huwag kang manggulo. Sa madaling salita, manahimik ka, para walang gulo. Parang 1984.
Tama, wala nga namang gulo. Walang gulo para sa mga taong nagpapakasasa sa bawat sentimong pinaghirapan ng bawat Pilipino (At hindi Pilipinong tulad ko). Maganda nga naman iyon para sa kanila. Kaso lang, sabi ni Confucius, injury requits justice. Katarungan ang kailangan, hindi iyang pesteng “move on”.
At sino ba talaga sa tingin nila ang niloloko nila?
Hindi ako dalubhasa sa ekonomiya, wala rin akong kaklase na naging pangulo ng Amerika. Hamak na graduate lang ako ng USTe, dyan sa may Espanya (yung bahaing kalsada, hindi yung bansa). Pero ipupusta ko ang buhay ni Boy Abunda sa katotohanang ito: ako, sampu ng milyun-milyong Pilipino, nakatapos man o hindi — nakikita namin ang katotohanan sa likod ng mala-pelikulang drama sa senado. Kitang-kita namin ang bawat kawaning may pinagtatakpan, pati na ang bawat kawaning kailangang pagtakpan.
Maliwanag pa sa noo ni Lozada ang katotohanan.
Hindi ako Pilipino, sabi ng Bureau of Immigrations. Sumasang-ayon ang birth certificate ko, pasaporte at iCard. Pasensya na. Wala kasi akong pambili ng pagka-Pilipino, di tulad ng mga banyagang kayang-kayang bilhin ito. Hindi ako smuggler, drug lord o artista. Hindi ko afford ang berdeng pasaporte. Pero kahit ayaw sa ‘kin ng Pilipinas, nandito pa rin ako.
Ilang beses ko nang sinabi sa mga kaibigan at kaanak ko ito. Kung hindi rin lang kakailanganin, wala akong planong iwan ang Pilipinas, kahit mamatay akong banyaga sa bayang kinalakhan ko. Hindi ko kayang iwan ang Maynila, ang maduming fishball, ang Parokya ni Edgar, pati si Robin Padilla.
Pero kagabi, sa unang pagkakataon, parang napagod na ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang nasuya na talaga ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang naubos na ang lahat ng pag-asa sa puso ko. Naitanong ko:
Hanggang dito na lang ba talaga tayo?

February 13th, 2008 at 5:40 am
This whole thing is incredibly disheartening. I guess what I feel now, more than anything, is despair. And I wish I could be one of those Pinoys who can say ‘I’m getting out of this shithole the first chance I get’, pero para din akong tanga eh, umaasa pa din ng himala.
February 13th, 2008 at 7:29 am
Yep, unfortunately. I wish I could, too. I know it would be a lot easier for me because I’m not even legally Filipino, but then again I’m attached.
February 13th, 2008 at 8:53 am
Seeing how you act, how involved you are, and how even apathetic people are beginning to care, gives me hope.
Sana nga, lumitaw na ang katotohanan.
February 13th, 2008 at 11:47 am
i’m really happy we don’t have a tv right now, during lozada season. Because had he had TV my mom would be suffering from another stroke from all of this, and i’d be all high blood and irritated at being a Filipino.
at least you have a choice to not be a filipino-to renounce it completely. while for most of us, we’re stuck in this rut where Gloria is Queen.
February 13th, 2008 at 2:48 pm
I didn’t have a TV for two years. Now that I do have a TV, I realize that I really didn’t miss anything worthwhile except Avatar and Queer Eye episodes. :p
February 13th, 2008 at 3:34 pm
But I don’t want to not-want-to-be a Filipino. I want to stay here and be nationalistic and care about MY country, regardless of my actual citizenship.
I’m only a Chinese citizen because this country still runs that jus sanguini thing.
February 14th, 2008 at 5:29 pm
move on! hehe… seriously, what’s happening in our country right now is very disheartening. Can’t really tell who’s teling the truth because everyone has their own say about the issues. One day I just want to meet one of the politicians and say “putang-ina mo” right in his/her face just to loosen up my ill feelings against them. Maybe that’s why I ended up in another country because of this so much crap.
February 14th, 2008 at 10:27 pm
Ah well, that’s something we all hope for. I’m seriously thinking about going abroad: it’s the ultimate OFW dream
February 15th, 2008 at 1:49 am
u can always go back to where ur passport came from. i doubt u’d like that though.
and being an OFW will mean them acknowledging u as a Filipino so wouldn’t that be a win-win?
this whole thing just reminded me of why my grandma kept her red passport. she says if this country turns into warzone, she’d know where to flee. i have a green one so it seems that i’ll be stuck here.
Why do u still want to be a Fil despite the odds?
February 15th, 2008 at 5:55 am
I read your message in our yahoogroup page. I am also a graduate of BSCE Batch 85 in UST. i am a also a chinoy like you. I am now living and working in USA since 2006. Corruption in our country is already been going on for years.We chinoys are always the target of those corrupt government officials. my email address is mikeyu8882003@yahoo.com
February 15th, 2008 at 7:42 am
Oh well I don’t know. I know a lot of people who keep their red passports because they have plans of going back.
I really don’t know why I want to stay here. I’ve been abroad several times and each time I come home there’s just a rush of happiness once the plane lands.
February 15th, 2008 at 7:44 am
Hey mike. I wonder how my post got to your yahoogroup? By the way, thanks for the drop by. Always great to hear from a fellow Tsinoy and Thomasian
February 16th, 2008 at 12:21 am
Kristy, batchmate sa USTe, co-Flamer:
I just read your rant. indeed, punong puno na mga Pilipino sa kawalang-hiyaan ng administrasyong ito! Alam na natin noon pa man ang katotohanan. Sa tanong mo, hindi matatapos ito hangga’t hindi bumababa sa pwesto ang bansot sa palasyo.
Tama na! Sobra na! Itakwil ang maling pamamahala! Hindi tayo maghihintay ng 2010 para mapalitan ang pangulo!
Kristy, keep on punching!
-WES
February 16th, 2008 at 10:02 am
Wes! Shempre naaalala kita pare. Sa totoo lang, di ko alam kung matatapos ‘to sa pagbaba nya. Parang dapat reform talaga, mula basurero hanggang pangulo, pati tayo, lahat dapat wag nang pumayag sa kahit anong uri ng pangungurakot, ke piso o milyones.
February 16th, 2008 at 2:46 pm
Indeed it is sad to see the brazen impunity and arrogance of this administration, now is the time to voice our protest and demand for meaningful change.
I got wind of this when one of Among Ed’s supporter sent me the email you sent to Kaisa and decided to link this blog entry of yours to show how dense ,a href=”http://pedestrianobserver.blogspot.com/2008/02/my-dads-rich-fatso-luli-arroyo.html”>Luli Arroyo and her mom.
You know what I believe in karma, because Greed & Corruption is like a jar of Jalapeños. What they do today…………….. might burn their A$$E$ tomorrow, in time for a good kick in their behind.
Cheers,
PJ
February 17th, 2008 at 11:50 am
Thanks for sharing your thoughts. I think its beautifully written…. touching with all its angst and humor. Keep it up.
I’m with you that moving on without a just accountability this time is no longer acceptable and I sincerely wish this recent debacle will bring forth the real big change that will eventually release us from the monicker ‘the sick man of asia’.
From a fellow ‘Tsinoy’who migrated reluctantly abroad for more than a decade now, I still say:”there is no place like home..ang Pinas”. Stay as long as you still feel that irrepressible joy each time the jet lands at NAIA,besides, looks like it’s in vogue being a ‘probinsiyanong intsik’ these days
JL (afreebeing@gmail.com)
February 17th, 2008 at 8:25 pm
Hehehe. Hi JL. Thanks for the drop by. Seriously though, I’m not even probinsyano at all. I think it’s starting to be a misconception
I’m a Manila thoroughbred, can’t live beyond the concrete. I just realized that most of the comments I get are from Tsinoys or from people who’re now working overseas.
February 18th, 2008 at 5:40 am
…or tsinoy in general, for that matter,
Make it a Good Day!
JL
February 18th, 2008 at 6:02 pm
Great post. Becoming an OFW? think about it seriously.
I am an OFW and I know.
myepinoy
February 18th, 2008 at 8:40 pm
Yeah, well you know, green pastures and all.
February 19th, 2008 at 3:49 am
napaluha ako sa isinulat mo…you were able to voiced out the sentiments of the majority of filipinos…ang malungkot, karamihan na sa mga pilipino ang manhid na…siguru dahil nalinlang na ng mga sunud-sunud na korupsyon…hindi natutulog ang mga pilipino…gising sila, subali’t bangag sila…hindi marunong magalit ang pilipino…kahit niloloko na sila…okay lang silang pagnakawan at gawing tanga…we deserve the government we have because we are the government…if the government of GMA is corrupt, it is because we the filipinos are…kung hindi, bakit wala tayong ginagawa…tanga tayo pag sinasabi nating walang kinalaman si GMA at sampu ng kanyang mga kaanak at opisyal sa mga pagdarambong sa atin…
February 19th, 2008 at 7:17 am
Hindi pa naman siguro tayo nauubusan ng pag-asa
February 19th, 2008 at 12:05 pm
Hope is a renewable thing. So is doubt. Everything is healthy, so long as people refuse to ‘move on’. Joker counseled people to ‘move on’ too, after Joey de Venecia’s revelations. Those who advise people to ‘move on’ are asking people to step over a cliff.
“Hindi naman tayo nauubusan ng pag-asa.” Hindi pa. Hindi dapat.
I am happy that for some reason your post came my way, through some friends.
To continue to be angry is to continue to feel alive. Resignation is not an option, unless one is with the Arroyo administration…
Apir, mula sa isang Pinoy para sa isang Pinay.
red
February 19th, 2008 at 2:37 pm
I’m at a loss for words. My brain still can’t comprehend how this simple post has made its way into inboxes all over the country.
Hope springs eternal, I guess, and I pray that mine doesn’t get extinguished anytime soon.
Apir.
February 20th, 2008 at 6:50 pm
Hi. Hindi tayo magkakilala, pero sadyang natutuwa ako sa entry mong ito na nabasa ko sa isang forwarded email. Maaari ko bang i-repost sa aking multiply (http://allanandjane.multiply.com)?
(Ang totoo niyan na-repost ko na. Tanggalin ko na lang kapag ayaw mo.)
- Allan Lopez
February 20th, 2008 at 7:07 pm
Walang problema. Nagtataka lang ako sa icon mo.
February 20th, 2008 at 7:34 pm
Wala pong special na kahulugan. Bagay na maaaring palitan.
February 20th, 2008 at 8:59 pm
Same here. I found your LiveJournal through. I’ll be a regular reader if you don’t mind.
February 20th, 2008 at 10:31 pm
No problem
Not promising decent posts, though.
February 24th, 2008 at 11:33 pm
ano ang reaksyon ko? Magkahalong tuwa at gulat
Gulat dahil mayroong “hindi pinoy” na nagmamahal sa Pilipinas. Tuwa dahil sa kabila ng mga pangyayari ay may nakikita akong pag-asa 

Aaminin ko na may pagka-racist ako dati. Marahil ay dahil sa mga maiingay na palaging ibinabandera ang lahing pinaggalingan nila (half ganito, 1/4 ganun etc.). Na para bang sila ang makapangyarihan dahil hindi sila pinoy. Ngunit iba na ngang usapin yun
Hindi na nga mahalaga kung ano mang lahi o kaya ay kung anumang citizenship. Ang mahalaga ay ang malasakit sa bayan!
Hanga ako sa iyong sinulat at pananaw! Marami pa rin palang ayaw umalis ng Pilipinas, salamat!
Boy Dapa (http://qroon.blogspot.com/)
P.S. Taas bigla siguro ng traffic ng site mo, lagyan mo ng maraming ads
February 25th, 2008 at 3:54 pm
Kakagulat hanggang ngayon may nagkocomment dito. Madami ngang papansin na 1/4 ganyan, ninuno nya si ganon etc etc. Epal ang tawag ko sa mga ganon, na parang lahat ng paraan para masabing hindi sila Pilipino gagamitin. Nakakaawa, sa totoo lang.
Sablay nga yung Ad Brite na plano ko. Hindi ako marunong ng mga ganoon eh, medyo engot ako.
February 26th, 2008 at 5:04 am
Ciao Miss Choi!
Your entry “Dahil Puno na ang Salop” has also reached and touched us in Kabayan News, Ang Pahayagang Filipino sa Europa, which is based in Milan, Italy. It makes many realize that being a true Filipino is not a mere branding called citizenship but is found in one’s heart for our country.
We would like to share your very admirable and down to earth message to our readers who are also asking if there is still hope for our country. Many of us, overseas Filipinos, have left the country because “sawa na kami sa bulok na sistema at gobyerno”. But even then, we only have one real motherland. Halos lahat ay babalik sa ating bayan kahit anong kulay pa ng passport nila ngayon dahil nasa kanila pa rin ang pusong Pinoy. Let us not give up the fight against corruption and injustice in our country. Hindi tayo aktibista, komunista, o terorista. Gusto lang natin ang mabuting gobyerno at sistema sa bansa. Dahil Tayo ang Bayan.
Our warmest regards,
Kabayan News Team
editor@kabnews.com
February 26th, 2008 at 7:35 am
Hi! I’m actually flattered that you want to post it. It just got published by Tulay (vol. 20, no.18, february 19, 2008). Now I don’t know anything about copyrights and publishing and that stuff. You might want to add a nod to them or something, but anyway, my point is, you’re free to publish it.
Thanks!!!
February 27th, 2008 at 4:16 am
Ciao Miss Choi!
Thanks for allowing us to publish it in Kabayan News, Ang Pahayagang Filipino sa Europa. We will give due credit to Tulay and your blogsite. Can we have your posted pic with the entry?
“Dahil Puno na ang Salop” will surely re-awaken the cold hearts of those kabayans who are “walang pakialam sa bayan”. Your natural feeling of concern for our country puts to shame those abroad who have already forgotten their roots.
May we have more Miss Choi(s) in the generations to come.
Kabayan News Team
Milan, Italy
February 27th, 2008 at 8:06 am
Better not include the picture
June 18th, 2008 at 9:55 am
Late na late na ako sa discussion na ‘to pero medyo compelled akong mag comment dahil talagang moving ‘tong post mo. I’m kicking myself kasi I’m not plugged-in enough sa mga pangyayari sa bansa para maintindihan ko ang buong extent ng diskusyon. Pero malinaw sa post mo kung ano ang mga nakaka-badtrip na punto sa fiasco na to.
Sa isang banda nakaka-frustrate kasi parang wala ng katapusan ang attempt (and success) sa corruption ng mga taong nasa kapangyarihan. On other hand nakakalakas din ng loob kasi may mga taong tulad mo na artikulado, may malasakit sa bayan at willing gamitin ang talent para ma-enlighten ang mga kababayan natin. Ang daming geographical barriers ang na break ng post mo (galing talaga ng interweb ano?) Although di na bago sa ‘kin ang corruption sa gobyerno, medyo natinag ako sa sub-text ng post mo about citizenship… na somehow despite born, raised at molded sa Pinas hindi ka pa rin citizen, sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na may ganitong policy ang pinas. Ok lang sana kung by choice pero according sa ‘yo eh this is forced upon you. To think na ang mga ganitong klaseng policies ang vain ng existence ng mga kababayan natin abroad na nakikipagsapalaran para makapag-remit ng dolyar, tapos all the while may ganito din pala tayong patakaran.
Medyo nakakahiya din kasi ako lang ata ang hindi nabagsakan ng post mo through well informed web groups, and email circulators. Nakarating ako dito through Jon Cabron’s blog about his terrible early morning bus-ride ordeal and reading the comments.
Anyway sibat na ko, hope na hindi mawala ang pagtingin mo sa Pinas although mahirap isipin, eventually gaganda din tayo kailangan lang umabot sa critical mass ang mga taong tulad mo sa population and post like this will speed things along.
Cheers
June 18th, 2008 at 9:26 pm
Wow. Salamat sa mahabang comment, may sense naman eh
Medyo wala na nga akong pag-asa, nakakapagod na kasi walang nangyayaring matino dito.
September 7th, 2008 at 9:34 am
Korek. I agree. Peste talaga… At isang malaking perwizyo.
September 16th, 2008 at 11:38 pm
One of my most favorite political essays of all time. Kung pwede lang mag-publish sa YoungBlood in Filipino eh…
September 16th, 2008 at 11:47 pm
“Hanggang dito na lang ba talaga tayo?”
Ang sagot ay hindi… habang may kabataang nagsusulat ng mga mapanuring sanaysay tulad nito, habang may mga kabataang ginagamit ang talino at kakayanan upang pagsilbihan ang mga naaapi, hangga’t may mga kabataang nakikisangkot at kumikilos (hindi yung mga nagsasayang lang ng oras sa Embassy o kaya sa pagchachat sa YM o frendster), may pag-asa pa ang bansang ito, at may pag-asa pa rin ang daigdig na ito.
Miss Choi, wag ka na ma-conscious kung dominant ang Chinese blood mo, Pinoy man tayo o Intsik, mga tao tayong may responsibilidad na ilatag ang isang mas mabuting mundo para sa sangkatauhan (naks!) Apir!
September 17th, 2008 at 10:01 am
Wala man tayo magawa ngayon at silang mga pesteng taong gobyerno ang tumatawa ngayon, hindi naman magtatagal, mawawala din sila sa mundo. At huwag na tayong umasa pa na may lilitaw isang araw na ala-Ninoy Aquino para pagkaisahin ang mga Pilipino. Dahil nangyari nga ang EDSA, umalis si Marcos, nadedo, pero ang bulok at bantulot na siklo ng ating sistema ay narito pa rin. Pero may pag-asa pa rin. Hangga’t may mga tao na gaya mo na namumulat sa mga ganitong bagay, hindi malayo na sa nalalapit na panahon, magkakaroon ng malaking pagbabago ang ating bansa.
At hanga ako sa kagaya mo na banyaga ngunit kung ituring ang kanyang sarili ay Pilipinong-Pilipino; di gaya ng ilan diyan na sa ngalan ng pagiging praktikal ay lalayas dito at itatakwil ang inang nagbigay buhay sa kanya. Sana maging katulad mo ang mga Pilipino para hindi na sila pumila sa harap ng US embassy para mag-migrate.
Mabuhay si Miss Choi..
September 17th, 2008 at 10:23 am
@Jose Dennio - hindi naman masama kung maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Madami akong kilalang OFW na walang choice kaya sila umaalis ng Pilipinas. Siguro ang nakakainis yung mga may kaya na nagmigrate at kinalimutan na ang pagka-Pilipino nila. Yung mga naghihirap dun para magtrabaho, biktima din ng bulok na sistema ng bansang to.